NAGPATULOY si Raul sa pagkukuwento kay Tanggol.
“Hirap na hirap ako bago nakaakyat mula sa balon. Nagmakaawa ako kay Nognog na hayaan na niya akong makaakyat. Nangako ako na hindi na makikipagtalo sa kanya. Magiging sunud-sunuran ako sa kanya. Pero ang hindi niya alam, naghahanap lamang ako ng tiyempo para makaganti sa kanya. Yung ganti na hindi madudungisan ang mga kamay ko. Pinag-aralan ko ang mga kilos niya. Pati ang estilo ng pakikipaglaban niya gamit ang samurai.
“Hanggang sa dumaÂting nga ang pagkakataon na ito. Ang tagal kong hiÂnintay, ito Sir Tanggol.’’
“Sino ang gumawa ng hukay na ‘yan, Raul?â€
“Si Nognog, Sir Tanggol.’’
“Siya pala ang gumawa ng sarili niyang libingan.â€
“Opo, Sir. Siya mismo ang dumayb sa ginawa niyang patibong.’’
‘‘Ano ang gagawin natin sa bangkay ni Nognog?â€
“Kakainin ng bayawak ang katawan niya, Sir. Diyan na mabubulok ang katawan niya.’’
Napatango si Tanggol. Sabagay wala naman silang kasalanan ni Raul sa pagkamatay ni Nognog kaya wala silang pananagutan.
“Tena na, Sir Tanggol. Baka abutan pa tayo rito ni Mang Pac.’’
“Tayo na Raul.’’
“Maaari po bang sa inyo na ako tumira, Sir Tanggol. Sigurado, hahanapin ako nina Pac at mga kasama niya. Parang awa mo na Sir.’’
“Halika, Raul.’’
Mabilis silang umalis sa lugar na iyon.
Nang makarating sa bahay, ikinuwento ni Tanggol kay Jinky ang mga nangyari.
“Baka lusubin tayo rito ni Pac, Tanggol!â€
“Paghahandaan natin sila, Jinky.â€
“Nakikiusap si Raul na dito muna siya sa atin, Jinky. Delikado na raw ang buhay niya ngayon dahil sa nangyari. Tiyak na nalaman na raw ni Pac ang pangyayari. Umaasa na napatay ako ni Nognog pero hindi nagkatotoo at siya pa nga ang namatay. Tatanggapin ba natin si Raul, Jinky?’’
“Oo. Tiyak na papatayin siya ni Pac. Hayaan natin na dito na si Raul para mayroon tayong laban kay Pac.’’
“Salamat po Mam Jinky.’’
“Alam ko marami pang nalalaman si Raul ukol kay Pac. Hindi ba Raul?â€
“Opo Mam. Katunayan po, matagal nang balak na salakayin ang bahay na ito. Balak ka pong dukutin at saka dadalhin sa kanyang resort. Hindi lamang po matuloy dahil mayroon kang mga bodyguard. Pero kung wala po, baka noon ginawa ang balak…’’
“Hayup pala talaga ang Pac na iyon.â€
“Kaya nga po iniutos na ipapatay muna si Sir Tanggol kay Nognog. Hadlang daw po si Sir sa kanyang balak. Wala raw pong makakaangkin sa inyo kundi siya lamang…â€
(Itutuloy)