PATULOY na tumawag si Raul kay Nognog. Si Tanggol naman ay nasa di-kalayuan at nakahanda sa anumang mangyayari. Mapanganib ang tao na kanilang sadya. Maaaring nakahanda si Nognog at nakikita na sila.
Bumalik si Raul sa kinakukublihan ni Tanggol.
“Walang sumasagot, Sir Tanggol.â€
“Ano sa palagay mo, Raul, nasa loob pa ba siya o wala na?â€
“Malakas ang kutob ko na nasa loob siya Sir Tanggol at nakikita tayo. Traidor si Nognog kaya palagay ko may iniisip na siyang paraan para tayo madale. Patay kung patay na ‘yan, Sir Tanggol.’’
“Anong balak mo, Raul?’’
‘‘Papasukin ko, Sir Tanggol!’’
“Baka pagpasok mo, tirahin ka. Sabi mo, traidor ang Nognog na ‘yan. At saka wala kang dalang armas. Anong ipangdedepensa mo?’’
“Akong bahala Sir Tanggol. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko.’’
“Mag-ingat ka Raul. Nasa likod mo ako. Hindi makakatakas ang Nognog na ‘yan.â€
“Sige Sir Tanggol. Sakali’t may mangyari sa akin, naipakita ko naman sa’yo na wala akong kinalaman sa tangkang pagpatay sa’yo. At kung magagawa ko, ihaharap ko sa’yo si Nognog para siya mismo ang umamin sa tangÂka sa’yo.’’
“Salamat, Raul. Naniniwala ako sa mga sinabi mo. Wala ka ngang kasalanan sa nangyari.’’
‘‘Sige Sir Tanggol,’’ sabi ni Raul at humakbang palapit sa kubo. Matatag at walang takot.
‘‘Nognog! Nognog!’’ tawag niya nang paakyat na sa kubo.
Walang sagot.
Umakyat si Raul. Desidido siyang pasukin na si Nognog sa loob. Alam niya, nasa loob ang hired killer.
“Nognog, alam ko nariyan ka. Harapin mo ako!’’
Nakapasok si Raul. Wala siyang nakita sa loob.
Nakatakas?
Pero paglingon niya, eto na si Nognog hawak ang samurai. Nagmula sa likod ng pinto. Dumaluhong.
“Yaaahhh!’’
(Itutuloy)