MARAMING kabiguan na pinagdaanan si Wu Yulu, 47, ng Beijing, China. Noong 1986, nalubog siya sa dami ng utang. Akala niya, hindi na siya makakaahon sa problemang iyon.
Sumunod na problema ay nang magsaboy sa kanya ng battery acid na muntik nang maging dahilan ng kanyang kamatayan. Sumunod na problema ang pinaka-mabigat, nagkahiwalay silang mag-asawa.
Pero sa kabila ng mga mabibigat na problema, nalampasan iyon ni Wu. At hindi siya makapaniwala na magtatagumpay siya at kikilalanin pa sa lipunan dahil sa kanyang mga imbensiyon.
Noon pa ay hilig na ni Wu ang paggawa ng mga robot. Libangan niya ang pagbuo ng mga robot na yari sa scrap metal.
Nakabuo nang 47 robots si Wu at lahat ng mga iyon ay makikita sa kanyang bakuran. Nakikita ng mga kapitbahay ang mga robot na lumulukso, nagmamasahe, umiinom ng tubig, nagpipinta at humihila ng kariton habang sakay si Wu.
Dahil sa kakaibang imbensiyon ni Wu, nakilala siya sa buong mundo. Noong 2010, inimbitahan siya sa Shanghai World Expo. Dinala niya roon ang 30 robots na ginawa niya. Ipinaliwanag niya ang practical uses ng kanyang robots
Marami siyang natanggap na salapi bilang premyo at mayroong kumontrata sa kanya para gumawa pa ng mga robot. Karaniwan ay mga unibersidad ang gustong makakuha ng kanyang serbisyo. (www.oddee.com)