^

Punto Mo

Bandwagon mentality ng mga Pinoy

KAWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PATULOY ang paglalabas ng survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia sa mga maaaring manalong senador sa May 13 elections. Ito ay nakakaapekto sa pag-iisip ng mga botante hinggil sa nais nilang iboto.

Dahil sa mga survey, lumilitaw na naman ang tinatawag na “bandwagon mentality” ng mga botante. Kahit pa mayroon na silang napusuang kandidato na hindi kasama sa magic 12 ay napipilitan ang marami na ilaglag at pumili na lang sa mga bumabandera sa survey. Panahon na upang iwaksi ng mga Pilipinong botante ang ganitong pag-iisip. Masasayang lang ang kanilang boto sa napupusuang kandidato dahil matatalo lang naman.

Masyadong nakapagtataka ang mga resulta ng survey lalo na sa ilang kandidato na wala namang magandang performance at maayos na plataporma.

Isa sa ipinagtataka ko ay si Bam Aquino na walang malinaw na plataporma. Ang tangi niyang ipinagmamalaki ay kamukha siya ni yumaong senador Ninoy Aquino at pinsan ni President Noynoy Aquino.

Maraming kandidato at maging ang ilang re-electionist ay masasabing walang ipinakitang mahusay na performance sa Senado pero lumalabas pa rin sa magic 12 survey ng SWS at Pulse Asia.

Marami akong pinagtanungang kabigan at kakilala kung sila ay natanong na sa mga survey ng SWS at Pulse. Ang sagot nila, hindi pa raw. Kung gayon, paano masasabing kumakatawan sa buong bansa ang survey samantalang wala palang natatanong dito. Ayaw namang ilabas ng SWS at Pulse ang kanilang sponsors na kandidato para malaman kung ang mga ito ay pasok sa magic 12 o hindi.

Sana, mga botante na ang magbasura sa resulta ng mga survey na ito. Tapusin na natin ang bandwagon mentality. Kung sino talaga ang nais na iboto, iyon ang iboto.

AYAW

BAM AQUINO

DAHIL

ISA

NINOY AQUINO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATIONS

SURVEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with