‘Pinaka-maruruming’ Presidential Elections sa US

KAGAYA ng eleksiyon sa Pilipinas, punung-puno ng siraan at kasinu­ngalingan ang US Presidential election noong araw. Ito ang last presidential elections na nasa listahan ng limang maruruming eleksiyon sa kasaysayan ng US politics.

Herbert Hoover vs. Al Smith, 1928

Isa lang ang dahilan  kung bakit natalo si Al Smith ni Herbert Hoover­ — dahil sa kanyang relihiyon. Si Al Smith ay isang Romano Katoliko. Noong panahon ng kampanya ay katatapos lang ng ginawang Holland Tunnel sa New York. Ipinakalat ng grupo ni Hoover ang isang matinding kasinungalingan na sobrang pinaniwalaan ng mga Amerikano: May ipinagawa raw na secret tunnel si Al Smith sa Holland tunnel na kumukunekta patungo sa Vatican sa Rome.

Sa pamamagitan ng secret tunnel, magiging convenient na kay Smith at sa Pope na magkaroon ng secret communication. Kapag naging presidente si Smith, magkakaroon ng daan si Pope para makialam sa pamamalakad ng US government. At iyon ang ayaw na mangyari ng mga Amerikano dahil karamihan sa kanila ay mga Protestante. Dito nasira nang husto si Smith sa mga botante. Walang naitulong ang pagsuporta sa kanya ni Babe Ruth (sikat na baseball player). Sa halip na makatulong ay nakasira pa ito  dahil kapag sumasama ito sa pangangampanya, ito ay nakasando lang habang ang isang kamay ay may hawak-hawak na beer. Kapag pinuna siya ng mga tao, ang isasagot lang niya ay ito: “The hell with you” sabay alis at basta na lang lalayasan nito ang grupo ni Smith.

 

Show comments