Kung gusto mong baguhin ang mundo…

ISANG araw ay naisipan ng hari na maglakad sa labas ng palasyo upang tingnan kung ano pang proyekto ang dapat gawin para sa ikabubuti ng kanyang nasasakupan.

Sa sobrang dami ng lugar na kanyang binisita, sumakit ang kanyang mga paa.

Magdamag siyang hindi nakatulog dahil nagkasugat-sugat ang kanyang talampakan.

Kinabukasan ay nagpatawag siya ng miting. Kinausap niya ang kanyang mga ministro na naka-assign sa pagpapaganda ng mga kalye.

“Sa sobrang tigas ng kalsada, ang aking paa kahapon ay nagkasugat-sugat pagkatapos kong maglakad. Naisip kong lagyan ninyo ng leather ang bawat kalsada para hindi masaktan ang aking mga paa sa tuwing ako’y maglalakad.”

Hindi nakatiis ang isang ministro na kontrahin ang ideya ng hari. “Ngunit mahal na hari, ang ibig sabihin ng paglalagay ng leather sa mga kalye ay milyong buhay ng mga baka ang isasakripisyo natin upang may pagkunan lang ng leather.”

“Aber, ano ang dapat gamitin? Siguraduhin mong may kuwenta ang suggestion mo. Kung hindi, lumayas ka sa harapan ko at huwag nang magpapakita kahit kailan.”

“Mahal na Hari, tiningnan ko ang sapatos na suot mo kahapon. Sobra pong manipis ang iyong sapatos kaya nasugatan ang paa mo. Sa halip na balutin ng leather ang mga kalsada, magpagawa ka na lang ng makapal pero malambot na sapatos na yari sa leather para next time na maglakad ka, hindi ka na masusugatan”.

“Everyone thinks of changing the world, but no one thinks of changing himself.” â€” Leo Tolstoy 

“The world as we have created it, is a process of our thinking. It cannot be changed without changing our thinking.” â€” Albert Einstein 
 

             

Show comments