Mga kakaibang Restaurant (2)

RESTAURANT NA GAWA SA CARTON – Kakaiba ang Carton King Restaurant sa Taichung City, Taiwan. Maliban sa pagkain at nagsisilbing waiters, lahat nang gamit sa restaurant na ito ay gawa sa carton at papel. Yes! Carton na carton talaga!

Iisipin na imposibleng maupo sa upuang gawa sa cardboard sapagkat maaaring masira, pero matibay iyon. To­toong cardboard pero ma­tigas. Ang table ay gawa rin sa cardboard. Ang softdrinks ay nasa cardboard can at ang straw ay gawa rin sa cardboard. Ang pagkain ay nasa cardboard bowls.

Ang kagandahan pa sa Carton King Restaurant, lahat doon ay maaaring i-recycle kaya kapag may nasira, madaling mapapalitan. (www.oddee.com )

Show comments