Hubo’t hubad sa pagtulog

…marami raw health benefits? Narito ang huling bahagi ng two part series ng 6 na dahilan kung bakit mainam na nakaburles habang natutulog:

IV Ayon kay Natasha Turner, best-selling author ng librong­ The Hormone Diet, nakapagpapahimbing ng tulog ang paghu­hubad. Kung mahimbing ang pagtulog, bumababa ang level ng stress hormone. Kapag kulang sa tulog, tumataas ang stress hormone at ang epekto ay nagiging matakaw… ang ending,  magiging tabachingching ka. 

V May kakaibang “sensation” kapag ang hubad mong katawan ang kumukuskos mismo sa bedsheet na hinihigaan. It feels great dahil damang-dama mo ang iyong “sexiness”. At ang pakiramdam na iyon ang nagpapataas ng self-confidence, ayon kay Jennifer Landa, MD, author  ng The Sex Drive So­lution for Women.

VI Dagdag pa ni Landa, Ang pagtulog ng hubad ay nagpapaantig sa mood ng mag-asawa upang sila’y magtalik nang mas madalas. Mas madalas na pagtatalik, mas masaya ang buhay ng mag-asawa.

Show comments