Lampong (172)

“KAILANGAN daw magkaroon tayo ng relasyon, Tito Dick. Kapag daw hindi ko nagawa iyon ay magagalit siya sa akin. Palalayasin daw ako rito at bahala na ako sa buhay ko. Kailangan daw masunod ang balak niya…’’

Gimbal si Dick. Hindi makapaniwala sa narinig.

“Nagsasabi ka ba ng totoo Jinky?’’

“Opo Tito.’’

“Baka gumagawa ka lamang ng kuwento.’’

“Hindi Tito. Bakit naman ako gagawa ng kuwento?’’

Nakatingin si Dick kay Jinky. Sa itsura ni Jinky ay hindi nga nagsisinungaling. Seryoso ang anyo nito.

“Pero bakit gusto niya ta-yong magkaroon ng relasyon, Jinky?’’

“E gusto nga niya ikaw ang maging dahilan ng breakup. Kasi nga kung magkakaroon tayo ng relasyon, ikaw ang sisisihin. At ang bilin niya sa akin, idiin kita. Sabihin ko raw na pinuwersa mo ako. Umarte raw ako nang todo. Sabi pa niya kapag nangyari ang plano, malaki ang ibibigay niya sa akin na parte…’’’

“Anong parte?’’

“Kapag may nahuthot na siya kay Tanda.’’

“Hayop pala talagang Tita mo ano?’’

Nag-isip si Jinky.

“Nang malaman ng tita mo na hindi naman nangyari ang ipinagagawa niya anong sabi?’’

“Galit sa akin. Wala raw akong mapaparte…”

(Itutuloy)

Show comments