^

Punto Mo

Lampong (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SIGURO naman kapag nakaganti na siya kay Puri sa pamamagitan ng pamangkin na si Jinky, masisiyahan na siya. Bakasakaling mawala na ang nararamdaman niyang matinding galit sa mandarayang babae. Muli, naalala ni Dick ang mga sandaling tinatawagan niya si Puri sa Baguio na walang anu-ano’y nagalit sa kanya. Istorbo raw siya. Siguro, kasalukuyan silang nagtatalik ng kanyang matandang boyfriend at biglang uminit ang ulo. Baka mayroong ginagawa sa kanya ang matanda at nabitin siya dahil nga sa pagtawag.

Humanda ka ngayon, Puri. Pero mas masakit ang ganti ko dahil ang pamangkin mo ang mananagot!

Pinlano ni Dick ang gagawing paghihiganti. Susubaybayan muna niya si Jinky sa unit nito. Madali lang siyang makakapasok doon sapagkat, madalas iwan na bukas ang pinto at bintana. Sasalisihan niya. Kabisado na naman niya ang unit. Napa-ngiti si Dick sa naisip. Tiyak na magtataka si Jinky kapag nakita siya. Paano siya nakapasok sa loob. Pero siguro, hindi magagalit si Jinky. Gusto nga nito na magkatikiman sila. Patitikimin na niya ito. Ibubuhos na niya rito ang lahat nang poot na nakalaan para kay Puri. Siya ang magdadanas ng ngitngit ni Dickinson!

Kumuha pa ng beer si Dick. Uminom. Ilang beer na ang nauubos niya. Muli may naisip pa siyang paraan kung paano makakapasok sa unit ni Puri para maisakatuparan ang pagganti.

Maaari rin naman siyang magpakita kay Jinky. Dadalawin niya ito sa unit. Magpapakita siya ng kabaitan dito. Tiyak na tatanggapin at papapasukin siya nito sa loob ng unit. Mabait ang pagkakilala sa kanya ni Jinky.

Kapag nasa loob na siya ng unit, tiyak na ang katuparan ng kanyang plano. Baka nga si Jinky pa ang gumawa ng paraan para sila magtalik. Kabisado niya si Jinky. Baka agad-agad ay maghubad ito sa harapan niya. O baka mayroong gawin sa kanya. Katulad ng ginawa nito noon na nagmistulang sanggol habang nakasubo ang kakaibang klase ng “tsupon’’. Ha-ha-ha! Posible iyon. Maraming alam si Jinky.

Kung ganoon ang mangyayari, wala siyang gaanong dalahin sa konsensiya. Si Jinky ang mag-aalok sa sarili niya.

Tama! Ganoon na lamang ang gagawin niya. Dadalawin niya si Jinky bukas ng gabi. Uumpisahan na niya ang Operation Jinky! Makakaganti na rin siya sa ginawang kawalanghiyaan ni Puri. Malas lang ng pamangkin niyang si Jinky.

(Itutuloy)

DADALAWIN

JINKY

KABISADO

MULI

NIYA

OPERATION JINKY

PERO

SI JINKY

SIYA

TIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with