^

Punto Mo

Lampong(164)

Pang-masa

NANG makarating sa kanyang apartment ay lalo nang naging matindi ang naramdamang galit ni Dick kay Puri. Ngayon lang lubos na tumimo sa kanyang isipan ang mga ikinuwento sa kanya kanina ni Mina. Matagal pala siyang niloko ni Puri.

Naalala niya nang minsang tawagan niya ito. Nagalit sa kanya. Wala naman siyang alam na dapat ikagalit nito. Naisip ni Dick na baka kasalukuyang nagtatalik si Puri at ang matanda. Na­istorbo sa ginagawa. Baka nasa kainitan ang pagtatalik nang biglang mag-ring ang phone. Sinigawan siya noon ni Puri. Sinabi sa kanya­ na ‘‘istorbo!’’ Paano siya magiging istorbo ay gabi naman iyon at walang seminar.

Minsan naman, habang kausap niya ay may narinig siyang tumawag kay Puri. At nang tanungin niya kung kaninong boses, sabi ay sa kasamahan daw niya. Pero paano siya magkakaroon ng kasama ay siya lamang ang representative ng kompanya. At bawat isang participant ay may kanya-kanyang sariling kuwarto sa hotel.

Naisip ni Dick na ang kasama sa kuwarto ni Puri ay si Senior Citizen. At marahil nasa isang magarang hotel sila. Posible iyon dahil mayaman si Senior. Ayon pa kay Mina, galante ang matanda. Sa lahat daw ng mga babae sa kanilang kompanya ay si Puri ang natipuhan. Nagtataka raw sila kung bakit si Puri ang natipuhan gayung may mas magaganda pa kaysa rito. Baka raw may kakaibang pang-akit si Puri na napansin ni Senior.

Tumayo si Dick at tinungo ang ref. Kumuha ng beer at uminom nang uminom.

Nang malasing ay mu­ling nagbanta na gaganti kay Puri. Masakit na ganti ang gagawin niya.

(Itutuloy)

AYON

ITUTULOY

KUMUHA

MASAKIT

MATAGAL

MINSAN

NAISIP

NANG

PURI

SENIOR CITIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with