Mga kakaibang pagtatago ng illegal drugs (Last part)

COCAINE, ITINAGO SA SPARE TIRE --- Para hindi ma-detect ng border agents sa Pine Valley, San Diego, California, ang dalang cocaine, isang kakaibang paraan ang ginawa ng 24-anyos na US citizen. Itinago niya ang 20 bundles ng cocaine sa spare tire ng kanyang Jeep Cherokee.

Pero mas matalas ang pang-amoy ng border agents. Nang makita nila ang paparating na Jeep Cherokee, pinara nila ito. Na-sense nila na may dalang drugs.

Hinanap na mabuti. Hinalughog ang Jeep. Hanggang sa makita nila sa spatre tire ang cocaine na nagkakahalaga ng $500,000.

Kinasuhan ang lalaki.

* * *

COCAINE, NATAGPUAN SA MARUMING BABY DIAPERS --- Kakaiba ang ginawa ng mag-asawa para makapagpuslit ng droga sa US galing Mexico. Itinago nila sa diapers ang cocaine na nagkakahalaga ng $400,000.

Nabuking ng border agents ang mag-asawa nang parahin ang kanilang sakakyan. Hinalughog. Noong una ay wala silang makita. Hanggang sa makita nila ang mga maruru­ming diapers na nasa isang plastic bag. Ayon sa mag-asawa, ginamit iyon ng kanilang anak.

Nang ins­peksiyunin nakita ang sangkatutak na cocaine.

Kinasuhan ang mag-asawa.

Show comments