^

Punto Mo

‘Doble problema’

- Tony Calvento - Pang-masa

DALAWANG kasong magkaiba, dalawang taong may problema. Dalawang taong ginabayan ng aming programa.

Inire namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon). Unahin na natin ang isang ginang na takot na takot sa kanyang kalaban. Naging matagumpay ang resulta ng kasong inilalapit niya sa amin sa tulong na rin ng Presidente ng UE Law Alumni at ang head ng Bar Discipline ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na si Atty. Alice Vidal. Nagsadya sa amin si Leonila Najera ng Pasong Tamo Quezon City. Inirereklamo niya ang nagmamatigas na si Rudy de Asis, nangungupahan sa kanila. Tinatakot at hinaharas daw ang kanyang pamilya. Hindi na makatulog sa gabi si Leonila kakabantay sa kanilang bahay dahil baka daw sunugin ni Rudy.Nagsimula ang problema ng paupahan ng kanyang ina na si Natividad Cachola ang bakanteng kwarto. Ang lupang kinatatayuan nila ay ‘rights’ lamang. Nakuha ito ni Natividad sa World War II Veterans Legionnaires of the Philippines, Inc. Doon umupa si Rudy noong Abril 2000 sa halagang Php1,000 lang. Sa taas ng bahay ni Rudy nakatira sila Leonila. Anim na taon tumira si Rudy at pina- ‘renovate’ niya ang paupahan kung saan umabot daw sa halagang Php40,000 ang nagastos ni Rudy. Mula noon hindi na daw nagbayad si Rudy dahil ang dahilan niya ay siya ang nagpaganda ng bahay. Libre ang pagtira nito sa bahay mula 2006 hanggang Pebrero 2010. Kinausap ng maayos ni Leonila si Rudy upang umalis na dahil gagamitin na lang nilang magkakapatid ang inuupahan nito. Nagalit daw si Rudy at ayaw umalis. Aalis lang daw si Rudy kapag binayaran siya ng halagang Php40,000 dahil matagal na daw siyang nakatira doon.

Ang iginigiit ni Rudy ay ‘government property’ ang inuupahan niya kaya hindi daw siya magbabayad kina Leonila. Hindi matanggap ni Leonila na ang paupahan ng kanyang ina ay ina­angkin na ngayon ni Rudy. Malakas daw ang loob ni Rudy dahil ang sabi daw nito kay Leonila ay marami siyang kaibigang abugado. Ang gusto sana ni Leonila ay kung ayaw umalis ni Rudy ay magbayad na lang ito ng upa kada buwan sa halagang Php1,500. Mabilis ang aksyon ni Atty. Alice Vidal. Tinulungan siya nito na gumawa ng ‘demand letter’. Ang unang hakbang para sa kasong ‘ejectment’ na kanilang isasampa. Mismong si Atty Vidal ay sinamahan siya sa kanilang hearing sa Branch 40. Nagsampa din ng kasong ‘unlawful detainer’ si Atty. Vidal. Dumaan ang kaso sa Philippine Mediation Center.  “Napakabait ni Atty. Vidal wala manlang siyang hinihingi sa aking bayad. Sana marami pang matulungan ang programa niyo. Maraming salamat sa inyo,” sabi ni Leonila.

ISA PANG humihingi ng payo ay si Joaquin Gavini, 50-anyos ng Pasay City. Simple lang ang inilalapit sa amin ni Joaquin. Ang masingil ang halagang Php37,500.  Ito ay ang balanse para sa aregluhang nangyari sa pagitan niya at ng kanyang inirereklamong amo na si Rudy Niu ng kumpanyang Best Builder Construction (BBC). Taong 1990 nagsimulang magtrabaho si Joaquin sa BBC bilang ‘warehouse time keeper’. Maayos naman ang kanyang pagtatrabaho ngunit mula ng mag asawa siya ay nahati na ang kanyang oras “Kapag nagpapaalam ako na uuwi sa Pasay ayaw nilang pumayag kaya tumatakas ako”, sabi ni Joaquin. Madalas silang magkasagutan ng amo dahil wala daw silang bayad sa ‘overtime’ at siya din daw ang pinag-iinitan. Pebrero 1998, nagdesisyon si Joaquin na magresign sa trabaho dahil nahihirapan siyang makisama kay Rudy. Tsinek ni Joaquin sa SSS Malate ang status ng kanyang mga hulog. Nagulat siya ng malaman na ang hinulugan lang ay ang tatlong taon na 1995-1998. “Yung 1990-1994 hindi nila hinulugan samantalang kinakaltasan nila kami. Sayang mga benepisyo ko,” sabi ni Joaquin.  Ito ang dahilan kaya nagpasya na si Joaquin na magsampa ng reklamo sa SSS. Kasong Violation of Section 22 (a), in relation to Sec 28 (a), R.A 1161, as amended by R.A. 8282 (The SSS Law). Pebrero 2000, lumabas ang ‘warrant of arrest’ laban kay Rudy na ang ‘bail recommended’ ay nasa halagang Php2,000. Nababagalan si Joaquin sa takbo ng kanyang reklamo sa SSS. Nobyembre 2011, nakatanggap ng tawag si Joaquin mula kay Rudy. Babayaran daw siya ng halagang Php75,000 para iurong ang kaso sa SSS. Tinawagan daw siya ng abugado nila Rudy at inalok na bibigyan siya ng paunang bayad na Php37,500. Ika- 22 ng Disyembre 2011 pumayag na si Joaquin dahil magpapasko at kailangan niya ng pera pang handa at pang regalo. Ang pangako daw ng abugado ay aayusin ang ‘dismissal’ ng kaso at ibibigay sa kanya ang kalahati. Kapalit nito ay pinapirma siya ng ‘Quit Claim’ at Affidavit of Desistance kung saan nakasaad na ang halagang Php37,500 ay kabayaran para sa mga sweldo, benepisyo, overtime pay, holiday pay, 13 month pay at separation pay. Nakasaad din na makukuha niya ang kalahati pa kapag na dismiss na ang kaso sa SSS.

Hanggang ngayon hindi pa rin napapasakamay ni Joaquin ang balanseng Php37,500. Gusto na niyang makuha ito kaya siya nagsadya sa amin. Bilang aksyon nakipag ugnayan kami sa SSS Media Affairs ‘team head’ kay Ms. May Rose Francisco. Pinaliwanag ni Ms.Francisco na kapag ang isang emplyeyado tulad ni Joaquin ay nagsumbong sa SSS, ang pamunuan mismo ng SSS ang nagpa-file ng kaso laban sa kumpanyang inirereklamo. Nagiging ‘witness’ na lang ang empleyado at ang SSS ang tumatayong complainant. Hindi pwede ang ‘affidavit of desistance’ dahil ang SSS ang nagdedemanda. ”Sana huwag niyong pagpapalit ang kontribusyon sa maliit na halaga dahil para niyong tinatapon ang karapatan sa benepisyo na inyong makukuha sa SSS na mapapakinabangan hanggang sa pagtanda ninyo. Ang perang hinihingi ninyo kapalit sa demanda ay sandali lamang at mabilis mauubos. Hindi tulad ng sa SSS ang pamilya ninyo ang makikinabang ng dahil sa pensyon na inyong makukuha,” pahayag ni Ms. Francisco. 

“Salamat po at naliwanagan ako sa problema ko. Akala ko kasi maagrabyado na naman ako”, sabi ni Joaquin.

Tungkol naman sa perang unang nakuha ni Joaquin ay wala naman siyang dapat problemahin dito. DITO SA AMIN SA CALVENTO FILES, hindi naman namin sinasabi na lahat ng mga lumalapit sa amin ay nabibigyan namin ng solusyon. Marami din naman ang matapos na pumunta sa amin ay masayang natulungan ang kanilang mga pasanin. Nagpapasalamat kami sa patuloy niyong pagtitiwala at higit sa lahat binabalik namin ang papuri sa Panginoon kung saan nagsimula ang lahat. (KINALAP NI AICEL BONCAY) Sa mga gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166, 09213784392 09198972854. Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

 

DAHIL

DAW

JOAQUIN

LEONILA

LSQUO

RUDY

SIYA

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with