^

Punto Mo

Hindi mo siguro alam

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

HINDI mo siguro alam na ang iyong hair conditioner ay maaaring gamiting pampakintab ng kotse mo. Dahil sa nilalaman nitong Lanolin, mistulang winax ang karu mo matapos pahiran. At hindi lang iyan, mas dudulas ang tubig-ulan.

Hindi mo siguro alam na maaari mong ipanglinis ng windshield ang Coke. Mas madaling matatanggal ang kumapal na alikabok nito kung bubuhusan ng soda. Ngunit ingatan na ma­lagyan ang hood dahil asido ito at maaaring matuklap ang pintura.

Hindi mo siguro alam na mas mainam na ipamunas sa salamin ng kotse ang baby wipes kaysa tuyong tissue.

Hindi mo siguro alam na kaya mong gumawa ng sarili mong solution na panglinis ng kotse. Imbis na gumastos pa nang mahigit P100 kada pa-carwash. Maghalo ng 1/4 cup ng baking soda sa isang galong lalagyan, samahan ito ng 1/4 cup o 60ml ng dishwashing liquid (joy o axion etc) at punuin ng tubig. Aluging maigi at may panglinis ka na. Sa tuwing kailangan ng ligo ng kotse mo, gumamit ng isang cup ng solution na ito at ihalo sa isang batyang may dalawang galon ng maligamgam na tubig, haluin at ipanghugas na sa kotse. Mura, homemade at mabisa pa!

Hindi mo siguro alam na isa pang alternatibo sa pagpapakintab ng kotse ay ang kerosene. Ihalo ang isang tasa nito sa tatlong galong tubig at gamit ang espongha ay ipahid sa kotse.

Hindi mo siguro alam na hindi magandang hugasan ang sasakyan kapag masyadong mainit o kaya ay katatapos mo lang magmaneho at mainit ang makina.

Hindi mo siguro alam na sa buhok lang puwede ang wash and wear. Pangit kung patutuyuin ang kotse ng pahahanginan lang dahil magkakaroon ng watermarks.

Hindi mo siguro alam ang mga ito kung wala kang kotse o hindi nag-eeksperimento o nagbabasa-basa ng mga paraan kung saan mas makakamura ka. Magtipid na para bongga ang Pasko!

ALAM

ALUGING

DAHIL

IHALO

IMBIS

KOTSE

MAGHALO

MAGTIPID

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with