^

Punto Mo

Ipasisilip mo ba o hindi, … ang iyong FACEBOOK sa kompanyang pinag-aaplayan?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG araw, resume, resulta ng  I.Q. exam at interview ang pinagbabasehan ng employer para magdesisyon kung tatanggapin ba niya ang isang job applicant o hindi. Dulot ng makabagong teknolohiya, ang Facebook ay ginagamit na rin ngayong “tools” ng ibang employer sa US upang maeksamen pang mabuti ang pagkatao ng kanilang aplikante. Ayon sa www.huffingtonpost.com, mga 37 percent ng US employers ang gumagamit ngayon ng Facebook upang i-pre-screen ang mga aplikante. Hindi nga sapilitan ang pagbibigay ng username at password, ngunit ang hindi pagpayag na silipin ang iyong Facebook ay katumbas ng pag-urong sa “laban”.

Mariing tinutulan ng pamunuan ng Facebook ang ganitong practice. Invasion of privacy raw ang ginagawa ng mga kompanyang ito sa kanilang mga aplikante. Hindi lang daw unethical ang kanilang ginagawa kundi illegal. Kaya kamakailan lang ay nagpalabas sila ng statement tungkol dito:

“We don’t think employers should be asking prospective employees to provide their passwords because we don’t think it’s the right thing to do,” Erin Egan, Facebook’s chief privacy officer, wrote on the site earlier this year. “But it also may cause problems for the employers that they are not anticipating. For example, if an employer sees on Facebook that someone is a member of a protected group (e.g. over a certain age, etc.) that employer may open themselves up to claims of discrimination if they don’t hire that person.”

Bukas: Paano ginagamit ang Facebook para magkaroon ng ideya ang isang employer kung magiging “asset” ng kompanya ang isang aplikante?

(Itutuloy)

 

AYON

BUKAS

DULOT

EMPLOYER

ERIN EGAN

FACEBOOK

ITUTULOY

KAYA

MARIING

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with