^

Police Metro

P39.6 milyong marijuana nakumpiska sa 2 Balikbayan Box na galing Canada

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang Balikbayan Boxes galing Canada na naglalaman ng kush o dried marijuana leaves.

Ang Balikbayan Box ay galing Ca­nada at dumating sa Manila International Container Port (MICP).

Nang isailalim ito sa physical examination ng BOC, natuklasan ang marijuana na nagkakahalaga ng P39 million.

Una nang nakatanggap ng derogatory information ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na humihiling ng pagsasagawa ng verification at inventory procedures sa nasabing kargamento.

Ayon sa inspection team ng BOC at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga marijuana ay nakalagay sa 108 na piraso ng vacuum-sealed pouches.

Nakadidismaya ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio na ang Balikbayan Boxes na simbolo ng sakripisyo ng mga Pinoy sa ibang bansa ay ginamit upang makapagpuslit ng illegal drugs.

Samantala sinabi ni CIIS Director Verne Enciso na ang Balikbayan Boxes ay ipinadala sa pamamagitan ng U Mac Forwarders Express Inc. ng isang nagngangalang Riza Munar mula Vancouver, Canada at naka-consign sa isang John Paul de Leon ng San Mateo, Rizal.

Idineklara ang kargamento na naglalaman ng used household goods.

Ayon naman kay CIIS-MICP chief Alvin Enciso ang unang box ay may lamang 56 vacuum-sealed plastic pouches ng kush at isang plastic container ay may lamang 60 unidentified tablets.

Pinuri naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy ang pagkakasabat sa kontrabando.’

Ang mga consignees, senders, at recipients ng kargamento ay mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic No.9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

MARIJUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with