^

Police Metro

2 fetus ikinalat ng aborsyonista

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang fetus ang natagpuan ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City nitong Linggo.

Nabatid na unang natagpuan ng isang basurero ang isang 2 pulgada na fetus na nakasilid sa je­welry box at inabandona sa basurahan sa  tambakan ng basura sa Garcia Ave., Brgy. UP Campus, Quezon City nitong Linggo ng alas-10:00 ng umaga.

Bandang alas-8:00 ng gabi naman ng kaparehong araw ng isa na namang 5-inches na fetus ang nakita sa 1st level ng Trinoma Mall, sa men’s restroom na nasa tabi ng fastfood chain na matatagpuan sa Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Ayon sa ulat, naglili­nis umano ng banyo ang janitor na si alias Dante nang mapansin niya ang kahon na may mantsa ng dugo sa loob ng basu­rahan at nang buksan natuklasan niya ang fetus na nakasilid sa transpa­rent na plastic bag.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with