Gun regulator law ni Bato, aprubado
MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na isinusulong ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na naglalayong mapagbuti ang pagpapatupad ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Dela Rosa, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng kanyang panukala, magkakaroon ng mas malinaw na panuntunan sa licensing at registration procedures ng mga baril na siyang dapat sundin ng bawat gun owners.
Sinabi pa ni Bato na sa pamamagitan ng iniakda niyang Senate Bill 2895, palalakasin din ang regulasyon kontra illegal firearms at palalakasin ang public safety sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaukulang guidelines para sa safe at responsible transfer ng firearms license partikular kapag nasawi o naging incapacitated na ang orihinal na may-ari ng baril.
Ayon pa kay Dela Rosa sa nakapaloob din sa naturang niyang panukala ang pagpapatupad ng amnesty program upang mahimok ang pagpaparegistro ng unlicensed firearms.
Nakasaad sa SB 2895 ang pagkakaroon ng one-year amnesty para unregistered o loose firearms upang mairehistro ito ng walang anumang ipapataw na penalty sa simula nang ganap na pagpapatupad nito.
Bukod dito, binibigyan din ng kapangyarihan ang PNP chief na pahintulutan ang hepe ng Firearms and Explosives Office na mag-isyu ng permit to carry firearms outside residence o PTCFOR.
- Latest