MANILA, Philippines — Naglabas na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng listahan ng mga nakatakdang pangalan ng bagyo para sa taong 2025.
Kabilang sa mga pangalang ito ang “Salome” at “Mirasol”.
Papangalanan din ang mga bagyong inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility na Auring, Bising, Crising, Dante, Emong, Fabian, Gorio, Huaning, Isang, Jacinto, Kiko, Lannie, Nando, Opong at Paolo.
Kasama rin sa listahan ang mga pangalang Quedan, Ramil, Tino, Uwan, Verbena, Wilma, Yasmin at Zoraida.
Sakali namang lumagpas sa 25 ang bilang ng bagyo, may inihanda ang Pagasa na mga auxiliary name na Alamid, Bruno, Conching, Dolor, Ernie, Florante, Gerardo, Hernan, Isko at Jerome.