Isang bagyo, tatama ngayong Enero - PAGASA

MANILA, Philippines — Batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA) na isangbagyo ang maaaring tumama sa bansa ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa PAGASA, mabubuo ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan na tatawa­ging si Bagyong Auring.

Tinaya ng PAGASA na ang naturang bagyo ay inaasahan na mag-landfall malapit sa Eastern Visayas o sa Caraga Region.

Samantala, mara­ming lugar sa bansa ang nakakaranas ng pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Shear line.

Show comments