‘Gabi ng Parangal’ ng 2024 MMMF, naging kontrobersiyal

MANILA, Philippines — Naging kontrobersyal ang nakalipas na “Gabi ng Parangal” ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakailan nang maglabas ng komento at inis na mga netizens, na umano’y dinomina ng isang jury ang resulta at awarding.

Ayon sa mga kritiko, nakakadismaya ang mga naging resulta sa Gabi ng Parangal at maging ang proseso ng scoring system ay nagbago ng last minute na tila sinadya umano kung saan mistulang nakondisyon kung sino ang mga magiging nominado at mananalo.

Ilan sa mga dismayado sa nasabing “parangal” ay ang mga masugid na tagahanga ni Aga Muhlach kung saan ito umano ay na “snubbed” sa kabila ng husay ng multi-awarded na aktor at magaling na pagganap nito.

Maging ang mga followers ng beteranang aktres na si Eugene Domingo ay hindi pinalusot ang naging resulta ng MMFF 2024 kung saan obvious daw na “minanipula”. Dagdag ng ilang kapwa artista na nakasaksi, dahil sa nangyari ay nawawala ang integridad ng MMFF at nasasayang ang mga tunay na karapat-dapat na mga aktor na mapabilang o magwagi.

Show comments