MANILA, Philippines — Siyam na beses na pagbuga ng abo na may tatlo hanggang 76 minuto ang haba at 26 na volcanic earthquakes kabilang ang 9 volcanic tremors na may anim hanggang 76 minuto ang haba ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon pa sa Phivolcs, nagtala rin ng pagluwa ng 7,079 tonelada ng asupre ang naturang bulkan at 300 metrong taas makapal na pagsingaw na napadpad sa kanluran-hilagang kanluran, hilagang-kanluran at kanluran.
Nagtala rin ng patuloy na pamamaga ng bulkan kayat patuloy na inererekomenda ng Phivolcs ang paglikas ng sinuman sa mga lugar na nasa loob ng 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan at bawal ding magpalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa inaasahang biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, Pyroclastic Density Current (PDC), rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malakas na pag-ulan.