Sagot sa modernisasyon
MANILA, Philippines — Inilunsad kamakalawa ang e-jeepney na makatutulong para gawing makabago ang public transport system sa bansa.
Sa launching sa Pasig City na inorganisa nina senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson, at Ako Ilocano Ako Partylist Representative Richelle Singson, nagsama-sama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts kung saan ibinida rito ang mga e-jeepneys na siyang magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation.
Kasama sa paglulunsad ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, CEO ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, Director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum, Director ng E-Mon Korea; at LCSC E-Mon Operations Manager Jinhee Kim.
Sinabi ni Manong Chavit ang kanyang adhikain na gawing moderno ang public transportation system sa bansa sa pamamagitan ng mga electric vehicles.
“Ito na ang magiging simula ng sustainable at innovative future ng bansa,” sabi ni Manong Chavit, na Number 58 sa Senate ballot.
Ayon kay Manong Chavit, ito na ang magiging sagot sa urban mobility problems at makakatulong din ito sa pagbawas ng carbon emissions na siyang magiging magtataguyod ng sustainable public transport system sa bansa.
“Ito rin ang magiging daan upang manguna ang Pilipinas bilang isang bansa na may sustainable transportation innovation”, dagdag ni Chavit.