Ilang gamot sa cancer, diabetes, mental illness exempted na sa VAT

MANILA, Philippines — Nadagdagan ang ilan pang gamot sa cancer, diabetes at mental illness ang in-exempt ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa value added tax o VAT.

Kabilang sa pinakabagong inilibre sa VAT ang cancer medicines na Degarelix at Tremelimumab. Habang sa diabetes ay Sitagliptin at Linagliptin.

Para sa may iniindang sakit sa mental health, VAT-free na rin ang Clomipramine Hydrochloride, Chlorpro­mazine, at Midazolam. Noong Enero ay inilibre na sa buwis ang 21 gamot sa cancer, diabetes, at hypertension. Noong Marso ay 20 pang gamot at panibagong 15 noong Agosto. Ang cancer at diabetes ang ilan sa nangungunang sanhi ng kamatayan sa bansa na dahil sa may kamahalan ang mga gamot ay hindi kayang bilhin ng mahihirap.

 

Show comments