Hallucination lang – Palasyo
MANILA, Philippines — “Alam mo mahirap pumatol sa ganyang hallucination.”
Ito ang maiksing sagot ni Executive Secretary Lucas Bersamin makaraang hingan ng reaksyon sa naging pahayag ng dating pangulo na posibleng may basbas umano ng Palasyo sa panibagong pag-atake sa kaniya ni Trillanes.
Guni-guni ang hinala ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si dating senador Antonio Trillanes ang panibagong attack dog ng Malacañang.
Tumanggi na ang kalihim na magsalita at ayaw patulan ang duda ng dating Presidente.
Lumutang ang hinala ni Duterte na attack dog ng Palasyo si Trillanes dahil hindi umano gagalaw ito kung walang nasa likod nito dahil wala na umanong pera ito.
Dahil dito, planong kasuhan ng libel ni Duterte si Trillanes dahil sa patuloy na pag-atake sa kaniya at sa kaniyang pamilya kaugnay sa malaking pera nito sa bangko na mula umano sa illegal na droga.