^

Police Metro

‘Heartbeat’ ng Pinoy matatag kay Pangulong Marcos; Nagbago kay VP Sara - RPMD

Mer Layson - Pang-masa
âHeartbeatâ ng Pinoy matatag kay Pangulong Marcos; Nagbago kay VP Sara - RPMD
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered speech during the Telco Summit at the Philippine International Convention Center (PICC) in Pasay.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Sa isinagawang survey ng ‘Boses ng Bayan’ para sa ikatlong kwarter ng RPMD Foundation Inc. ay nagpapakita ng matibay at tuluy-tuloy na suporta para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na may 76% na ‘trust rating’ at 74% ‘approval rating’.

Bagaman bahagyang bumaba ng 1% ang ratings, binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez na ang mga pagbabagong ito ay nasa loob ng margin of error, at sinabi niyang, “This stability signifies that Filipinos retain the same ‘heartbeat’ for the President’s leadership as seen in the previous quarter’s results.”

Kay Vice Pres. Sara Duterte ay nagpapakita ng pagbabago sa damdamin ng publiko na nakakuha ng 69% ‘trust rating’ at 63% ‘approval rating’, na bumaba ng 7% at 8%.

Ang disapproval ay tumaas sa 17% para sa ‘trust’ at 15% ‘job performance’, at mayroong 14% na undecided sa ‘trustworthiness’ at 22% sa performance.

Ayon kay Dr. Paul Martinez noted “that while her ratings remain above the majority threshold, these shifts highlight evolving public expectations that the Vice President may need to address.”

Nagpapakita rin ng malakas na suporta ang publiko para kina Senate Presi­dent Chiz Escudero-69% trust rating at 67% job performance score. Habang si House Speaker Martin Romualdez, ay nakakuha ng 75% trust rating at 73% job satisfaction score.

Ang survey, na isinagawa mula Setyembre 20-31, 2024, sa 10,000 kalahok, na may +/-1% margin of error at 95% confidence level, ay nagbibigay ng maaasahang pananaw sa damdamin ng bansa.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with