^

PM Sports

AFAD Sports Arm Show kasado sa Nobyembre 20 sa SMX

John Bryan Ulanday - Philstar.com
AFAD Sports Arm Show kasado sa Nobyembre 20 sa SMX
Mula kaliwa: Sina Ivy Illine Sapasap, Cristina Tuason-Gonzalez, AFAP president Edwin Lim, AFAD treasurer Edwin Ano Jr., Grace Ta at AFAD spokesperson Aric Topacio.
Chris Co

MANILA, Philippines — Idaraos ang ika-30 taon ng Defense and Sports Arms Show ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) sa Nobyembre 20 hanggang 24 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Libu-libo ang inaasahang dadalo sa pinakamalaki at pinakamatagal na sporting arms show sa bansa na ikinakampanya ang responsible gun ownership tampok ang mga national shooters at gun enthusiasts matapos ang unang bahagi sa Mindanao.

Sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon ay dinala ng AFAD ang state-of-the-art sporting firearms at shooting products sa Davao noong nakaraang buwan bago ang inaabangang Manila leg.

Lagpas 100 brands ng high-quality, top-of-the-line local at imported firearms at ammunications ang ibibida ng 40 confirmed exhibitions mula sa buong bansa sa limang araw na tanghalang regular na dinadaluhan ng mga shooting champions, opisyal ng gobyerno, artista at mga pambatong national shooters.

Bilang panauhing pandangal ay inimbitahan ng AFAD si Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Jonvic Remulla para sa opening ceremony sa unang araw.

Bukod sa sporting at defense firearms shows, nagdaraos din ang AFAD ng seminars at educational programs para sa self-defense, responsible gun ownership, firearms safety handling at regulation policy na siyang pinakamahalaga sa lahat. 

Sa koordinasyon sa Philippine National Police ay tumutulong din ang AFAD sa pag-asikaso ng mga ligal na proseso at dokumento sa pagbili, pagma-mayari at pagdadala ng firearms sa one-stop area tampok din ang aplikasyon at renewal ng mga lisensya.

Sakto naman sa ika-30 na taon nito ay ang panawagan ng AFAD sa posibleng pag-balanse ng mga polisiya sa gitna ng napipintong anim na buwang gun ban para sa midterm elections na siyang lubos na makakaapekto sa industriya dahil sa inaasahang 90% revenue loss.

Ayon sa AFAD ay may mga mungkahi sila sa mga otoridad sa pamamagitan ng patuloy na diskusyon kung paano parehong mapapangalagaan ang kaligtasan ng publiko, ang kapakanan ng mga responsible gun owners at national shooters pati na ang industriya ng firearms.

“We want the public to see the positive impact that the industry has and the importance of reasonable, balanced regulation. Gun bans like this may aim for safety but they can also stifle an industry that contributes to our economy and supports a large community of responsible enthusiasts,” ani AFAD spokesperson Alaric “Aric” Topacio na nilinaw ang misyon ng AFAD sa pagtaguyod ng komunidad kung saan namamayani ang responsableng gun owners para sa kaligtasan ng lahat. (John Bryan Ulanday)

vuukle comment

AFAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with