MANILA, Philippines — Malaki ang kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang mababago sa ugnayan at relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng pamamahala ni President-elect Donald Trump.
Sinabi ng Pangulo na mayroong matatag na tratado ang Pilipinas at Estados Unidos at naniniwala itong hindi mababago.
“I don’t think it will change. The global forces that are our oldest treaty partner, that doesn’t change,” saad ng Pangulo.
Gayunman, abangan na lamang aniya kung magkakaroon ng malaking pagbabago sa sandaling magsimula na ang administrasyon ni President Trump.
Matatandaan na binati ni Marcos si Trump matapos ang kanyang pagkakapanalo sa eleksyon at umaasa na mas magiging mabunga at dynamic ang partnership ng Pilipinas at Amerika.
Ang Pilipinas at Amerika ay mayroong matibay na kooperasyon sa defense at security, trade and investment, food and energy security, renewable energy, climate action, digital transformation, infrastructure development, at humanitarian assistance.