111 katao, stranded sa 9 pantalan dahil sa bagyong Nika – PCG

MANILA, Philippines — Nasa 111 katao sa 9 pantalan sa bansa ang na-stranded dahil sa epekto ng bagyong Nika.

Ito ay base sa monitoring kahapon ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng umaga sa siyam na pantalan sa Southern Tagalog at Bicol Region.

Sa Southern Tagalog, nasa sa 34 pasahero, driver at helpers ang istranded sa Calapan Port, Muelle Port, Varadero Bay, Romblon Port, San Agustin Port, Balanacan Port, Tingloy Port at Wawa Port.

Istranded din ang anim na rolling cargoes habang nagkakanlong doon ang 14 na barko at 13 motorbancas

Sa Calaguas Island naman sa Bicol Region, nasa 77 pasahero, drivers at helpers ang istranded rin dahil sa bagyo.

Show comments