P29 rice program palawakin – Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) na palawakin ang P29 rice program nito at magtatag ng mas maraming Kadiwa centers sa buong bansa.

“We called on the Department of Agriculture (DA) and the National Irrigation Administration (NIA) to meet with us for a single agenda, to ensure every Filipino family has access to affordable rice,” ayon sa Pangulo.

Bukod sa pagpapalawak ng P29 Rice-for-All program ng gobyerno, hiniling din ng Pangulo sa DA at DBM na dagdagan ang bilang ng Kadiwa ng Pangulo centers mula 21 hanggang 300 sa kalagitnaan ng 2025.

Ang P29 Rice-for-All program ay inilunsad sa mga piling sentro ng Kadiwa noong Agosto.

Hinikayat din ni Marcos ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng palay direkta mula sa mga lokal na magsasaka para makamtan din nila ang tamang presyo para sa mga ani at masiguro rin ang tuluy-tuloy na suplay ng bigas para sa lahat.

Show comments