^

Police Metro

Daan-daang libong kostumer ng Meralco, nawalan ng suplay ng kuryente

Mer Layson - Pang-masa
Daan-daang libong kostumer ng Meralco, nawalan ng suplay ng kuryente
An aerial view shows a resident aboard a wooden boat maneuvering past flooded houses caused by heavy rains brought about by Tropical Storm Trami (local name Kristine) in Bato town, Camarines Sur province on Oct. 23, 2024.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Nakaranas ng power outage o pagkawala ng suplay ng kuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Kristine ang daan-daang libong kostumer ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, dakong alas-8:00 ng umaga kahapon ay nasa 535,000 kostumer nila ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Bumaba naman aniya ang naturang bilang sa 397,000 na lamang pagsapit ng alas-11:00 ng umaga.

Karamihan aniya sa mga naapektuhang kostumer ay mula sa Laguna, Cavite, Quezon Province, Batangas, Metro Manila, at Bulacan.

Naganap aniya ang pagkawala ng kuryente dahil sa malakas na hanging dala ng bagyo at mga pagbaha.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with