MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang pagdagsa ng may 2.4 milyong pahasero, naghahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa pagtanggap sa kanila at sakanilang seguridad simula sa Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5, kaugnay sa paggunita sa All Saints Day at All Souls Day.
Pinakamaraming pasahero ang inaasahan sa mga petsang Oktubre 30 at 31 sa aabot sa humigit-kumulang sa 159,000 hanggang 175,000 o katumbas ng pagtaas ng mga biyahero sa 20%.
Nakikipag-ugnayan na ang PITX sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Philippine National Police (PNP) para sa tiyak na maayos at ligtas na pagbibiyahe.
Kabilang sa mga hakbang ang pag-isyu ng LTFRB ng mga special permit para sa mga bus, inspeksyon ng LTO sa mga PUVs para sa kaligtasan ng mga ito, at pagde-deploy ng MMDA ng mga ambulansya at enforcer para sa trapiko.
Pinayuhan naman ang mga pasahero na magtungo nang maaga sa iskedyul na biyahe upang hindi maabala.