Pulis, 3 pa suspek sa pagpatay sa ABC president sa Bulacan

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Special Investigation Task Group (SITG) ng Philippine National Police ang apat na suspek sa pagpatay sa Liga ng mga Barangay president at ex-officio board member na si Ramilito Capistrano at kanyang driver na si Shedrick Toribio kamakailan.

Sa ulat na tinanggap ni PRO 3 Regional Director, PBGen Red Maranan mula kay Bulacan Police Provincial Director Col. Satur L. Ediong, isa sa mga suspek ay nakilalang si Police Staff Sgt. Ulysses Hernani Castro Pascual; Cesar Mayoralgo Gallardo Jr. na ­kapwa residente ng Navotas City, at kanilang mga kasabwat na sina alyas Jeff at alyas Lupin.

Kasabay ito, kinasuhan ang apat ng 2 counts ng murder City Prosecutor’s Office ng Malolos.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo, tinitingnan ngayon ng PNP ang lahat ng anggulo o motibo sa pagpatay kabilang ang pagiging board member nito, personal grudge o kaya naman ay may kinalaman sa kaniyang negosyo.

Show comments