^

Police Metro

Dayuhang may bitbit na P42.1 milyong shabu sa NAIA, tiklo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang episyenteng profiling ng mga pasahero at x-ray image analysis na ginagamit ng Bureau of Customs (BOC) ang siyang nagresulta sa pagkakaaresto ng isang South African national na may dalang P42.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu, sakay ng isang flight, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Sabado.

Mabilis ding umaksiyon ang BOC matapos na makita ang kahina-hinalang x-ray ima­ging result at inaresto ang dayuhang si Phillip Theunissen, na duma­ting sa bansa lulan ng flight ET 644 mula sa Addis Ababa, Ethiopia.

Pinuri naman ni BOC Commissioner Bien Rubio ang grupo ng ahensiya sa NAIA para sa matagumpay na deteksiyon sa ilegal na droga, na tumitimbang ng 6.2 kilo.

“Our agents immediately became suspicious with the check-in luggage because of the x-ray imaging results. It was marked “x” as it underwent K-9 sweeping that also resulted in positive indications.” “The subjected luggage was then physically examined and our agents found white crystalline substance that allegedly looked like methamphetamine hydrochloride, or shabu. The substance was hidden under the passenger’s suitcase,” wika ni BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso.

Tiniyak naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na magdodoble-kayod ang kanilang ahensiya upang imbestigahan ang naturang pinakahuling operasyon at usigin ang mga taong nasa likod ng iskima.

Binigyang-diin rin niya ang kahalagahan ng isang well-coordinated response sa anumang pagtatangka ng mga individuals at cri­minal organizations upang iwasan ang mga batas ng bansa at ipagsapalaran at ilagay sa panganib ang buhay ng mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with