Pinas at Malaysia palalakasin ang kolaborasyon sa edukasyon at disaster response
MANILA, Philippines — Tiniyak sa pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Malaysia’s Deputy Prime Minister and Minister for Rural and Regional Development sa Palasyo ng Malakanyang na palalakasin ang kolaborasyon sa edukasyon at disaster response.
Sa courtesy call ni Hamidi kay Pangulong Marcos, sinabi nitong very good force ang Pilipinas dahil sa mga batas, hardworking at well-trained ang mga Filipino.
Ayon naman kay Hamid, nais ng Malaysia na malaman ang education system sa Pilipinas.
Tinutukan na rin aniya ngayon ng mga estudyante sa Malaysia ang Technical and Vocational Education and Training (TVET).
Pagdating naman sa usapin sa disaster response cooperation, sinabi ni Hamidi na may isang Malaysian special group called na SMART Team ang maaring ipadala sa Pilipinas kapag may bagyo kung aaprubahan ng Pangulo.
- Latest