Mag-asawang online seller, todas sa ambush!
MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang online seller na kilalang distributor ng mga skin care at beauty products matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong salarin sa Mexico, Pampanga nitong Biyernes ng hapon, ayon sa nakarting na ulat sa Philippine National Police (PNP) kahapon.
Kinilala ang nasawing mga biktima na sina Arvin Dayrit Lulu at misis nitong si Lerma Waje Lulu; pawang residente ng Mabalacat City, Pampanga.
Sa report ng Pampanga Police, ang mag-asawa ay kasalukuyang lulan ng kanilang kotse kasama ang
menor-de-edad nilang anak na lalaki nang harangin ng dalawang salarin sa bahagi ng highway ng Brgy. Santo Rosario sa bayan ng Mexico.
Ang sasakyan ng mga biktima ay dinikitan ng mga suspect na lulan din ng behikulo saka pinagbabaril ang target na mag-asawa na napuruhan sa insidente.
Ayon sa pulisya, ang mag-asawa ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at idineklarang dead-on-arrival sa pinakamalapit na ospital.
Masuwerte namang nakaligtas sa pananambang ang anak ng mag-asawa
- Latest