^

Police Metro

Bagyong Julian lumakas, Signal No. 1 sa Northern Luzon

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Julian habang kumikilos sa Philippine Sea ng silangan ng Cagayan.

Alas-5 ng hapon nitong September 28, ang bagyong Julian ay naitala ng PAGASA sa layong 380 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 90 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas ang Signal Number 1 ng bagyo sa Batanes, Cagayan kasama na ang  Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, silangang bahagi ng  Mountain Province (Natonin, Paracelis), silangang bahagi ng  Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista), Ilocos Norte at sa hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Ngayong Linggo ng hapon, si Julian ay inaasahang kikilos pakanluran timog kanluran o sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanluran hanggang October 1 sa araw ng martes papuntang Batanes-Babuyan Islands area bago lumakas  sa may bahagi ng hilaga hilagang silangan sa dalampasigan ng silangan ng Taiwan.

Sa Lunes, inaasahan na si Julian ay magla-landfall o lalapit sa Batanes o Babuyan island hanggang Martes October 1. Patuloy itong lalakas sa buong forecast period at maaabot ang typhoon category sa Lunes, October 1.

Tinaya rin ng PAGASA na hindi maaabot ni “Julian” ang super typhoon category.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with