^

Police Metro

Trader inaresto sa pagpatay sa Navy officer

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang negosyante na umano’y pangunahing suspek sa pagpatay kama­kailan kay Navy Intelligence officer IS3 Ronald Silanga sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Caezar Mangubat, 37, negosyante at may-ari ng isang construction firm na unang humingi ng tulong sa isang programa sa radyo bago isinuko sa mga otoridad ng pulisya.

Ayon kay Mandalauyong City police chief, Lt. Col. Titoy Jay Cuden, ang pag-aresto kay ­Mangubat ay batay sa warrant of arrest na ini­syu ni Hon. Mary Grace Bonsol-Cabal, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 35, Calamba City, Laguna na may petsang Sept. 23, 2024.

Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan at ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya ng Calamba.

Pinaghahanap pa ang kasama ni Mangubat, kanyang security aide na si Hipolito Gibe Jr., da­ting gerilya ng New ­People’S Army na nakalista bilang Regional ­level- Most Wanted Person sa rehiyon ng Calabarzon.

Ang dalawa ay itinuro ng isang tricycle driver at kasama nitong babae na bumaril sa biktima na ang bangkay ay natagpuan pasado alas-10:00 ng gabi noong Setyembre 6 sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Rafael, Sto.Tomas, Batangas.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with