Kelot inutas ng nakaalitan sa hotel

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 37-anyos na lalaki nang barilin ng tatlong beses ng nakaalitan sa entrada ng isang hotel, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Dagaranao Didato y Capal, ng Alabastro St., San Andres Bukid, Maynila.

Agad naaresto ng mga nagpapatrulyang pulis ang suspek na si Raymond Romano, 40, residente ng Barangay Sto. Cristo, Towerville, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District Barbosa Police Station, naganap ang insidente, alas-10:50 ng gabi sa entrance ng Shariff Mansion na matatagpuan sa Gunao St., Quiapo, Maynila nang magtalo ang biktima at suspek sa hindi malamang kadahilanan.

Nang tumalikod ang biktima para umiwas sa gulo ay binaril ito sa likod ng suspek at nang bumagsak ay sinundan pa ng tatlong putok na nasaksihan ng tiyuhin ng una.

Nagkataon na nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) nang makarinig ng putok ng baril.

Nang puntahan ay namataan ang suspek na tumatakbo na may hawak na baril kaya hinabol at naaresto.

Show comments