Drug pusher tiklo sa P3.9 milyong shabu

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Joshua”, 31-anyos, residente ng lugar na nakapiit na sa Taguig City Police Station custodial facility habang inihahanda ang isasampang reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

MANILA, Philippines — Isang drug pusher na itinuturing na high value individual (HVI) na nasamsaman ng milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station, sa Barangay Ususan, Taguig City.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Joshua”, 31-anyos, residente ng lugar na nakapiit na sa Taguig City Police Station custodial facility habang inihahanda ang isasampang reklamong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), alas-7:00 ng gabi ng Set­yembre 21 nang isagawa ang operasyon sa Brgy. Ususan na ang target ay si Joshua.

Nang makabili ng P45,000.00 halaga ng shabu na isinilid sa J&T Express plastic pouch ang poseur-buyer ay naglutangan na ang iba pang mga kasamahang operatiba na nakasamsam ng kabuuang 580 gramo ng shabu na may standard drug price na P3,944,000.00.

Show comments