Mga bigas na nakatago sa Pier pinakukumpiska sa DA

MANILA, Philippines — Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Department of Agriculture na kum­piskahin ang mahigit sa 20 milyong kilo ng bigas na nakatengga lang sa pier.

Ayon kay Speaker Romualdez, “sabi ng DA, bayad na ang mga duties and taxes ng mga bigas pero bakit ‘di pa inilalabas ng mga may-ari?, kapag hindi nila ilabas ‘yan at dalhin sa merkado, pwede na sigurong kumpiskahin ng gobyerno dahil sa hoarding”.

Matatandaang ibinulgar ni DA Sec. Francisco Laurel noong nakaraang linggo na milyun-mil­yong kilo ng bigas ang nasa Pier at nakatengga lang doon at kapag nadala sa mga palengke ang mga bigas tiyak na bababa na ang presyo ng bigas sa mga palengke.

“Kung inaantay ng mga importer natin na tumaas muna ang presyo ng bigas bago nila ilabas ‘yan, aba’y mabuti pang kumpiskahin na ng pamahalaan at ibenta sa mga mahihirap,” ayon pa sa lider ng House.

Nagbabala pa si Romualdez na huwag nang antayin na pasyalan na naman ang pier at pagbubuksan sa Bureau of Customs.

Show comments