^

Police Metro

2 bangka na lumubog sa Antique: 3 todas, 7 nawawala

Mer Layson - Pang-masa
2 bangka na lumubog sa Antique: 3 todas, 7 nawawala
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kinilala ang mga nasawing pasahero na sina Christopher Gajero; Marlon Belleca; at Mark Delloro.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong pasahero habang pitong iba pa ang nawawala nang lumubog ang dalawang motorbanca sa karagatang sakop ng Caluya Island sa Antique.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kinilala ang mga nasawing pasahero na sina Christopher Gajero; Marlon Belleca; at Mark Delloro.

Patuloy pang pinaghahanap ang mga nawawalang pasahero na sina Christian Aguilar; Vic Florendo; Roel Delloro; Joseph Delloro; Frankie Gajero, Rosauro Delloro at Zaldy Pacis.

Ayon sa PCG , alas-4:00 ng madaling araw ng Agosto 26 nang umalis ang MBCA Ure Mae at isa pang walang pangalang bangka mula sa isla ng Boracay, patungong Caluya, Antique na may sakay na 20 pasahero.

Gayunman, matapos ang tatlong oras ay nasagupa ng mga bangka ang masamang panahon at malalaking alon na nagresulta sa paglubog.

Kaagad naglunsad ang PCG, Municipal Police Station (MPS) San Jose, at MDRRMO-San Jose ng search and rescue (SAR) mission at nasagip ang 10 pasahero.

Gayunman, patay na ang tatlo sa mga pasahero nang matagpuan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with