^

Police Metro

Mpox nakukuha rin sa pakikipagtalik

Mer Layson - Pang-masa
Mpox nakukuha rin sa pakikipagtalik
Passengers walk past the mpox awareness banner at Anna International Airport terminal in Chennai on August 21, 2024.
AFP / R.Satish Babu

MANILA, Philippines — Maaaring maipasa hindi lamang sa pamamagitan ng non-sexual skin-to-skin contact, kundi maging sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga infected na indibidwal.

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, habang patuloy na inaalam ng mga otoridad sa kalusugan kung paano nakakuha ng virus ang kamakailang dalawang kaso ng mpox.

Sinabi niya na tatlo sa limang kasalukuyang aktibong kaso ang umamin sa pagkakaroon ng mga aktibidad na sekswal.

Nagbabala ang DOH na sinuman ay maaaring magkaroon ng mpox, at ang virus ay maaaring maipasa sa mga tao sa pamamagitan ng malapit at matalik na pakikipag-ugnayan sa isang taong nakahahawa, sa pamamagitan ng mga kontaminadong materyales tulad ng mga ginamit na damit o kagamitan, o sa pamamagitan ng mga nahawahang hayop.

Noong Miyerkules, inihayag ng ahensya na dalawa pang kaso ng mpox ang natukoy sa bansa ngayong buwan—-ang ika-13 kaso ay isang 26-anyos na babae mula sa Metro Manila, habang ang ika-14 kaso ay isang12-anyos na lalaki mula sa Calabarzon.

Bagama’t pareho silang walang kasaysayan ng paglalakbay bago magsimula ang kanilang mga sintomas, ang mga detalye ay bineberipika pa rin.

Ang dalubhasa sa nakakahawang sakit na si Dr. Benjamin Co ay nanawagan sa publiko na maging maingat sa pagsasagawa ng “walang ingat” na sekswal na gawain dahil sa banta ng mpox, na aniya ay “mas sexually transmitted”.

vuukle comment

MPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with