^

Police Metro

19 scammer arestado ng PNP-ACG

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 19 indibiduwal na kinabibila­ngan ng dalawang vlogger na sangkot sa vishing o voice phising at scamming activities ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).

Ayon kay PNP-ACG Director, Police Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga,ikinasa ang operasyon sa Imus, Cavite sa bisa ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data.

Sinabi ni Cariaga na katuwang ng PNP-ACG ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Imus Police at  ilang opisyal ng barangay.

Ilang reklamo na rin ang kanilang natanggap kaya pinag-aralan ang kaso at ikinasa ang operasyon.

Modus aniya ng mga suspek ang magpanggap na kinatawan ng bangko at kinukumbinsi ang mga biktima na i-update ang kanilang credit card sa pamamagitan ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon at One-Time-Pin (OTP).

Nakumpiska sa kanila ang mga SIM card, mobile devices, laptops, iba’t ibang bank documents, ledgers, at script na siyang ginagamit ng mga ito sa panloloko.

Ang mga naaresto ang unang masasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan.Bukod pa ito sa iba pang mga kaso gaya ng paglabag sa Republic Act 8484 o ang Devices Regulation Act of 1998 at Republic Act 10173 o Data Privacy Act na may kaugnayan sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with