^

Police Metro

2 pang kaso ng Mpox sa ‘Pinas, naitala

Mer Layson - Pang-masa
2 pang kaso ng Mpox sa �Pinas, naitala
A patient shows his hand with a sore caused by an infection of the monkeypox virus, in the isolation area for monkeypox patients at the Arzobispo Loayza hospital, in Lima on August 16, 2022. The World Health Organization on May 11, 2023, has declared that mpox no longer constitutes a global health emergency , almost exactly a year after the disease formerly known as monkeypox started spreading globally. WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus said the decision was prompted by falling case numbers worldwide, but emphasised that the disease remains a threat, particularly in areas of Africa where it has long been present.
AFP / Ernesto Benavides, File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na dalawa pang kaso ng mpox ((dating mon­keypox) ang natukoy sa bansa ngayong Agosto sanhi upang umabot na sa lima ang bilang ng mga aktibong kaso ng natu­rang sakit sa bansa.

Sa abiso ng DOH, ang dalawang bagong kaso ng mpox na parehong mas mild na MPXV Clade II ay naitala sa National Capital Region (NCR) at sa Calabarzon.

“The total case count is now 14 since July 2022. Nine cases have long recovered since 2023. Five are active cases waiting for symptoms to resolve,” dagdag pa ng DOH.

Ang mpox case 13 ay isang 26-anyos na babae mula sa NCR na nakitaan ng sintomas ng sakit simula noong Agosto 20, 2024, gaya ng rashes sa mukha at likod na may kasamang lagnat.

Samantala, ang mpox case 14 ay isang 12-anyos na lalaki mula sa Calabarzon na unang nilagnat noong Agosto 10 na kalaunan ay nagkaroon din siya ng rashes sa mukha, hita, katawan at kumalat sa ibang bahagi ng katawan, ubo at namaga ang lymph nodes sa groin area. Anang DOH, naimpormahan na nila hinggil sa insidente ang mga kinauukulang local government units (LGUs) hinggil sa mga natuklasang kaso ng mpox sa kanilang lugar.

vuukle comment

MPOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with