^

Police Metro

20 miyembro ng KOJC kakasuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng iba’t ibang kaso ng pulisya ang nasa 20 miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil sa iligal na pagtitipon at hindi kusang pagbubuwag ng kanilang barikada na kanilang itinayo sa kalsada sa Davao City.

Ayon kay Police Brig. General Roderick Augustus Alba, special task group TEKNON Alpha spokesperson, na siyang naatasang magsalita hinggil sa mga pangyayari sa loob at labas ng KOJC compound.

Mga kasong resisting arrest, disobedience to agents of authority at BP 880 o Public Assembly Act ang isasampang kaso laban sa mga nasabing miyembro ng KOJC.

Bukod dito, sinabi rin ni Alba na inihahanda na rin nila ang paghahain ng petition to clarificatory sa Davao City RTC hinggil sa inilabas nilang temporary protection order.

Sinang-ayunan din ni Albay ang sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. hinggil sa magandang development ng ginagawa nilang pag­hahanap kay Quiboloy at hindi rin nagbigay ng timeline kung malapit na o ilang araw pa ang aabutin sa paghahanap sa puganteng pastor.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with