^

Police Metro

Cashier inutas habang kumakain sa resto

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang cashier habang kumakain sa isang restaurant kamakalawa ng gabi sa Brgy. Balubal, Sariaya, Quezon.

Namatay noon din ang biktimang si Michael Badiola, 28, residente ng Purok 1, Brgy. Gibanga, Sariaya, dahil sa tinamong apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa report, alas-10:25 ng gabi ay nakaupo at  kumakain ang biktima  nang mula sa likuran ay lumapit ang dalawang lalaki at malapitan siyang barilin.

Agad  na tumakas ang mga suspek na naglakad lamang palabas ng restaurant matapos ang pamamaril.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang 4 na basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam ang motibo at ang pagkakakilanlan sa mga salarin.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with