^

Police Metro

Sandro Muhlach at NBI, naghain ng reklamo laban sa 2 independent contractors

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pormal nang nagsampa kahapon ng reklamo ang aktor na si Sandro Muhlach at ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network sa Department of Justice (DOJ).

Nabatid na si Muhlach, bilang private complainant, at ang NBI Public Corruption Division, ay naghain ng reklamong rape through sexual assault laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.

Si Muhlach ay sinamahan ng kanyang amang si dating child actor Niño Muhlach, at ng NBI sa pagtungo sa DOJ sa Maynila, kung saan pinanumpaan niya ang kanyang reklamo laban sa mga respondents.

Kumpiyansa naman ang abogado ni Muhlach na si Atty. Czarina Raz, na malakas ang kanilang mga ebidensiya laban sa mga akusado.

Matatandaang una nang humarap sa pagdinig sa Senado sina Nones at Cruz at mariing pinabulaanan ang akusasyon ni Muhlach laban sa kanila.

Nagpahayag naman ng paniniwala si Muhlach na lalabas ang katotohanan at makakamit niya ang hustisya.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with