^

Police Metro

Babaeng kagawad pinatay sa harap ng anak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babaeng barangay kagawad ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang 11-anyos na anak sa Quiapo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Stella Mangilino Lim, 45, kagawad ng Barangay 383, at residente ng Carcer St., Quiapo. Maynila.

Arestado naman ang itinuturong utak sa krimen na si Zacaria Disomangcop, 55, tindero, da­ting kagawad ng nasabing barangay, at residente ng Elizondo St., Quiapo.

Tinutugis ng mga otoridad ang gunman na si Amanudin Macadaag, residente ng Golden Mosque Compound, Elizondo St., gayundin ang driver ng get-away motorcycle, na di pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Sa inisyal na ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), na inilabas lamang nitong Biyernes, dakong alas-12:05 ng madaling araw ng Agosto 13 nang maganap ang krimen sa Hidalgo St., malapit sa kanto ng Z.P. Guzman St., sa Quiapo.

Base sa CCTV footage ng barangay, naglalakad ang biktima pauwi, kasama ang kanyang anak nang bigla na lang silang hintuan ng isang motorsiklo at kaagad na pinagbabaril ng backrider ang biktima.

Sa isinagawa namang follow-up investigation at back tracking ng CCTV footages ng Barangays 383 at 393, bago ang krimen ay makikita pa ang gunman na si Macadaag, habang pagala-gala at tila nagmamanman malapit sa tindahan ng biktima sa Bautista St.

Makalipas naman ang ilang sandali ay nakitang kausap nito ang itinuturong mastermind na si Disomangcop, na kinilala mismo ng punong barangay ng Barangay 383 na si Zobaida Sharief.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with