^

Police Metro

5 suspek sa pagpatay sa beauty queen at Israeli BF, kinasuhan na

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang indibidwal na itinuturong nasa likod nang pagpatay sa beauty queen na si Geneva Lopez at kanyang Israeli boyfriend na si Yitzhak Cohen ang pormal nang sinampahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ng dalawang bilang ng kasong murder.

Mismong si PCol. Thomas Valmonte, hepe ng Legal Division ng PNP-CIDG, ang nanguna sa paghahain ng kaso laban sa limang respondents, na kinabibilangan ng dalawang dating pulis.

Dalawa umano sa mga suspek ang bumaril sa mga biktima habang dalawang kasama ang nagtapon sa bangkay ng magkasintahan.

Bukod sa kasong murder, mahaharap din sa kasong conspiracy ang mga suspek matapos na magpulong muna at umano’y planuhin ang pagpatay sa mga biktima.

Una nang lumitaw sa imbestigasyon ng mga otoridad na isang dating pulis ang posibleng utak sa krimen at may kinalaman ang pagpatay sa lupang isinanla ng dating pulis kay Lopez.

“Based sa investigation, iyong lupa ay sinangla ng respondents sa biktima and parang gusto bawiin nila ang lupa sa mga biktima… Yung mga biktima parang ayaw naman nilang ibigay kasi siyempre meron binigay silang pera so dapat ibalik sa kanila ang pera,” ani Valmonte.

Pinuntahan umano ng mga biktima ang lupain noong Hunyo ngunit hindi na nakauwi pa ang mga ito.

Hulyo na nang matagpuan ang kanilang bangkay sa isang quarry site sa Barangay Sta. Lucia, sa Capas.

vuukle comment

GENEVA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with